top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PVL SEMIS NA: ABANGAN ANG ARMY BANKO, COOL SMASHERS AT GAZZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2019
1 min read

MULA sa anim na koponan, apat na lamang ang natitira sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na magsisimula ngayong Miyerkules (Hulyo 3) sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Nais pigilan ng PacificTown-Army at BanKo Perlas ang napipintong paghaharap ng kampeon noong 2018 na Creamline Cool Smashers at ang nangungunang koponan na PetroGazz Angels, na parehong nagtala ng kartadang 9-1.

Haharapin ng Creamline ang PacificTown na puno ng mga beterana sa volleyball, na sinaraduhan ng pinto ang BanKo Perlas Spikers para sa ikatlong puwesto sa semis. Hindi pa tapos ang laban ng Spikers, na nakatakda namang harapin ang PetroGazz, na tanging nakatalo sa Creamline.

Sabi ng analyst na si Charo Soriano, mas nakakatakot kalaban ang PetroGazz kung maipagpapatuloy ng setter nitong si Djanel Cheng ang magandang pagbibigay ng bola sa mga kakampi niya sa pangunguna ng reinforcements na sina Wilma Salas at Janisa Johnson.

Samantala, nakikita ng kapwa-analyst na si Synjin Reyes ang pagsubok na haharapin ng Creamline kontra sa PacificTown-Army dahil sa husay ng import nito na si Olena Lymareva-Flink sa mga huling laro.

Ang pagsisimula ng semifinals sa pagitan ng defending champions Creamline Cool Smashers, PacificTown-Army Lady Troopers at ng pares ng PetroGazz Angels kontra BanKo Perlas Spikers ay matutunghayan sa FilOil Flying V Centre sa San Juan at mapapanood ng LIVE sa S+A HD at iWant simula ng 3 pm. (VA/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page