Plantasyon ng marijuana sinalakay
KALINGA—Sinalakay ng mga awtoridad ang plantasyon ng marijuana, kamakalawa sa bulubunduking lugar sa Bgy. Loccong, Tinglayan sa lalawigang ito.
Nabatid na ilang residente ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng plantasyon ng marijuana sa naturang barangay.
Sinunog ng mga awtoridad ang naturang mga marijuana na tinatayang aabot sa halagang P50 milyon.





Comments