top of page

Para sa mga magulang, dapat daw kayong maging role model ng inyong mga anak... 5 LEARNING TIPS PARA

  • Jersey Sanchez
  • Jul 3, 2019
  • 2 min read

Bilang mga magulang, gusto nating mapabuti ang pag-aaral ni bagets, pero, siyempre, para ma-achieved ito, dapat maging ganado o bibo sila sa pag-aaral. For sure, nag-iisip na kayo ng mga gimik para ganahan sa pag-aaral si bagets, kaya mamshies, narito ang 5 paraan na sigu­radong makatutulong sa inyo:

1. SET-UP A HOMEWORK STA­TION. Sa pag-set-up nito, dapat puro gamit pang-eskuwela la­mang ang nandito at walang anumang des­truction tulad ng gad­gets, TV o mga laru­an. Sa ganitong pa­raan, ma­kapagpo-fo­cus si bagets sa mga homework niya.

2. GET THEM A GOOD SLEEP SCHEDULE. ‘Ika nga nila, malaking bagay ang kumpletong tulog para makapag-function nang maayos ang indibid­wal. Bilang mga magulang, tayo ang responsable sa pagbibigay nito kay bagets. Mabuting magkaroon ng kum­pletong tulog at consistent bed time para ma­kuha ang pahinga na kailangan nila.

3. ENCOURAGE THEM TO READ ANYTHING. Mula sa libro, diyaryo, maga­zines at comics, mabuting turuan si bagets na magbasa ng kahit ano dahil malaki ang maitu­tulong nito sa kanyang kaalaman. Kung hindi pa niya kayang magbasa, puwede mo itong simulan sa story time kapag hindi kayo busy.

4. GIVE THEM INDEPENDENCE. Mabuting nakikita ang progress ni bagets, pero dapat maranasan nila ang pa­giging in­dependent, partikular sa pag­gawa ng mga takdang-aralin. Sa ga­nitong paraan, matututo silang magdesis­yon nang hindi nakade­pende sa ibang tao. For sure, kaila­ngan pa rin nila ang gabay ninyo, pero hinay-hinay lang. Okie?

5. SHOW EX­CITE­­MENT ABOUT EDU­CATION. Kung naniniwala ka na ang pag­katuto ay hindi natata­pos, mabuting ipa­­kita ang ‘excitement’ sa pag-aaral sa pa­mamagitan ng pagbabasa at pag-explore ng iba pang mga bagay. Sa ga­nitong paraan, ikaw ang magsisilbing role model kay bagets para patuloy siyang mag-aral.

Mga mamshie, bagama’t, narito ang ilang paraan para ganahan sa pag-aaral sina bagets, puwede rin kayong sumubok ng iba pang paraan na sa tingin ninyo ay ma­katutulong dito. Pero, hinay-hinay lang sa pagsasagawa ng mga paraang ito para hindi ma-pressure si bagets.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page