Naingayan sa mga nag-iinuman | 2 PINAGBABARIL NG BARBERO
Levi Gonzales
Jul 3, 2019
1 min read

DALAWA ang sugatan matapos barilin ng barbero sa St. Exodus Floodway, San Juan, Cainta, Rizal.
Alas-10:30 ng gabi, natutulog ang suspek na si alyas Allan, sa kanyang barber shop nang magising umano ito dahil sa pag-iingay ng mga nag-iinuman sa tapat ng kanyang shop. Lumabas ito na armado ng baril at kinompronta sina Winifredo Ibabao, Jr. at Raymond Lozada, saka pinagbabaril. Dinala ang mga biktima sa ospital habang tumakas naman ang suspek.





Comments