top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga nakatiwangwang na bukas na manhole, aksiyunan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2019
  • 1 min read

MATAPOS ang sunud-sunod na pag-ulan, ma­ra­ming lugar ang binaha, partikular sa Metro Ma­nila.

Sa litrato na ibinahagi ng concerned citizen, nagmukhang ilog ang ilang bahagi ng kalye at nalubog sa baha ang ilang mga sasakyan.

Ang problema, maraming bahagi ng drainage ang naiwang bukas mula nang gawin ang kalsada noong nakaraang taon.

Dahil dito, maraming residente at motorista ang nababahala dahil takaw-disgrasya ang mga ito.

Bagama’t, aminado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nahihirapan silang tapusin agad ang mga proyektong ito, required umano ang Local Government Units (LGUs) na maglagay ng barricade sa mga manhole upang iwasan ito ng mga dumaraan.

Gayunman, maaaring i-report sa DPWH hotline na 304-3848 ang mga lugar sa Metro Manila na may bukas na drainage, man­hole o mga delikadong road repair sites na naiwang na­katiwangwang.

Hindi malabong may maaksidente kung patuloy na pababayaan lamang ito ng mga kinauukulan.

Panawagan sa mga awtoridad, umaksiyon agad at kaligtasan ng mga residente at motorista, gawing prayoridad!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page