top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Health care program ng PCUP, alamin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2019
2 min read

BUKOD sa pagbibigay ng tulong sa livelihood, access sa basic services at pagtulong sa demolisyon at ebiksiyon, ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ay mayroon ding programa para sa kalusugan.

Para sa inyong kaalaman, ang health care program ng PCUP ay kumikilatis sa pangangailangang pangkalusugan ng mga pamilya o indibidwal sa pagtulong sa kanila upang mapanatili ang kalidad ng kanilang kalusugan.

Tanong: Ano ang inihahatid ng PCUP na programa para sa kalusugan na­ming mga mahihirap? — Marianne

Sagot

Sa pamamagitan ng ating health care program, ilalapit natin ang inyong komunidad sa ating partner agency tulad ng PCSO, DOH, DSWD o mga non-government na medical sponsor upang mapabilis ang pagsasagawa natin ng medical at dental mission sa inyong komunidad.

Bukod dito, kung tayo naman ay nangangailangan ng libreng lunas sa mga may cleft lip at palate, cataract, eye disease surgery, reconstructive surgery para sa club foot, artificial leg at arms, ilalapit tayo ng PCUP sa mga posibleng maging sponsor.

Nagbibigay din tayo ng urban health forum sa inyong lugar kung saan tutulungan nating matukoy ang inyong suliraning pangkalusugan at mapag-usapan ang mga angkop na solusyon dito.

Para maka-access tayo ng ganitong serbisyo mula sa ating tanggapan, maaari lamang na sumulat sa ating ahensiya na tayo ay humihingi ng tulong para sa inyong kamag-anak na may karamdaman o para sa inyong komunidad na gustong maglunsad ng medical mission.Kung ang ating idudulog ay para sa indibidwal, kalakip ng ating sulat ay ang medical abstract, hospital bill (optional), picture ng pasyente at kumpletong contact details. Kapag atin itong naisumite sa ahensiya, tatawagan tayo ng ating kawani para sa mga susunod pang hakbang.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page