top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dagdag na evacuation centers ngayong tag-ulan, kailangan!

  • Ryan B. Sison
  • Jul 3, 2019
  • 1 min read

KASUNOD ng malakas na ulan na maya’t maya nating nararanasan, asa­han na natin ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kaya nais nating ipanawagan sa mga kinauukulan na magdagdag ng mga evacuation center nang sa gayun ay hin­di eskuwelahan ang gamiting pananda­liang tirahan ng mga maaapektuhan ng baha dahil kawawa ‘yung mga estudyan­teng mapo-postpone ang klase na mag­reresulta para ma-delay sila sa mga da­pat aralin.

Kumbaga, huwag nating solusyunan ang partikular na bagay na alam nating may bagong problemang nakaabang.

Gayunman, ang evacuation centers ay hindi lamang tuwing tag-ulan mapa­ki­kinabangan kaya kung sakaling ma­da­ragdagan ito, paniguradong hindi masasayang ang pondong ilalaan dito.

Dagdag pa rito, huwag tayong maging kampante sa nakasanayan, kung ka­yang gawan ng paraan kung saan mas magiging komportable ang lahat, gawin!

Sa totoo lang, noon pa ito problema, pero nakapagtataka dahil hindi binibig­yang-prayoridad, samantalang, may mga bagay na inuuna, pero wala naman ta­yong nakikitang pag-unlad.

Kaya ngayong tag-ulan, pakinggan na sana ang hiling ng mamamayan dahil ang evacuation centers ay higit nating ka­ilangan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page