top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Build, Build, Build Program, nadiskaril sa kahinaan ng liderato ng Kamara!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2019
2 min read

MASELAN ang respon­sibilidad ng 18th Congress.

Hindi dapat maulit ang pagtengga sa National Budget tulad noong nakaraang taon!

◘◘◘

P1 bilyon ang nawala sa gobyerno dahil sa nabalam ang budget approval dahil sa kahinaan ng liderato sa Kamara.

Nawala ang “one percent” sa gross domestic product (GDP), meaning, bumagal ang ekonomiya!

◘◘◘

NADISKARIL ang Build, Build, Build Program ni P-Digong.

Napurnada ang isi­nusulong na Pedera­lis­mo sa 17th Congress!

◘◘◘

NAGBABANTA ang Makabayan bloc na is­u­long ang impeachment kontra kay P-Digong dahil sa isyu sa binang­gang bangka ng mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Hindi dapat magpa­dalus-dalos ang mga kongresista sa pagpili ng kanilang lider!

◘◘◘

DAPAT gamiting pa­nuntunan ang tatlong “K” sa pagpili ng bagong Speaker.

Kakayahan, karana­san at kuwalipikasyon!

◘◘◘

PAGBATAYAN ang kongkretong track record.

May sapat na kara­nasan sa Lehislatura at bihasa sa isyu na may kaugnayan sa loob at labas ng bansa.

Pinakamahalaga ang matinding pagna­nais na suportahan ang agenda ng Malacañang!

◘◘◘

SA pinakahuling ulat, lumutang ang pangalan ni Rep. Paolo “Pulong” Duterte bilang aspirante sa pagka-Speaker.

Nakapunto ang dis­karte sa isyu ng masa­limuot na “term-sha­ring”!

◘◘◘

NILINAW ni Rep. Johnny Pimentel na hindi kailanman umupo at bumuo ng kasunduan sina Rep. Cayetano at Rep. Velasco.

Sinabi ng beteranong kongresista na hindi maisusulong ang legislative agenda ni P-Duterte sa ipinanunukalang term-sharing ni Rep. Cayetano.

Aniya, makaaantala lang ito sa kanilang traba­ho na makapag­pasa ng mga batas na kinaka­ila­ngan ng ating bansa at mamamayan, lalo na ang pagpasa ng 2020 National Budget!

◘◘◘

PINASINUNGALINGAN din ni Pimentel na nakikialam ang misis ni Rep. Velasco sa House Speakership race.

Aniya, hindi tamang idinaramay ang asawa ng kanyang karibal dahil hindi naman ito sumasali sa kanilang bakbakan kahit close ito sa Duterte Family!

◘◘◘

NAGALIT maging si Rep. “Pulong” dahil sa nakikita niyang gina­gawang pambabastos kay Wen Velasco.

Wika ni Rep. “Pu­long”, hindi raw nararapat maging House Speaker ang taong bastos sa mga babae!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page