top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA MGA BAGAY NA PAMPASUWERTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2019
  • 1 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Per­ly ng Perla03_ Cutie@ facebook.com

Dear Señor,

Ano ang mga pampa­suwerte para sa pamilya? Maayos ang pamilya na­min, pero ang gusto ni mama ay manggaling sa inyo ang sagot kung ano ang makapagpapasuwerte sa amin? Hihintayin ko ang sagot ninyo.

Naghihintay,

Perly

Sa iyo Perly,

Sobrang mabait ang langit sa lahat ng tao. Ang kanyang kabaitan ay masasalamin sa sinasabing, ganu’n ang love ni God sa sanlibutan. Ibig sa­bihin, hindi ito masukat-su­kat.

Tulad ngayong tag-ulan, puwedeng magkaroon ng family lucky charms:

1. Ang tubig-ulan ay ka­sing powerful ng holy water na ginagamit sa Simbahan. kumuha ka ng tubig-ulan at ito ang magiging lucky charm ng pamilya. Hayaan mo mu­nang pumatak ang ulan ng mga 20 minuto o lagpas pa bago sahurin.

2. Ang mga bagong us­bong na halaman na hindi pa nalalagasan ng kahit isang da­hon. Ang halaman na hindi pa nalalagasan ng dahon o sanga ay tinatawag na banal na halaman o virgin plants. Ku­muha ka ng dahon, patu­yuin mo ito at ilagay sa mali­liit na supot para magamit na personal lucky charm ng bawat miyembro ng pa­milya.

3. Ang mga batong nau­ulanan na luminis dahil sa mga patak ng ulan ay isa ring powerful lucky charm.

4. Kumuha ng bato at pa­initin ito sa pamamagitan ng apoy, pagkatapos, puwede mo itong ilagay sa wallet para buwenasin ka. Ito rin ay pi­naniniwalaang pampasu­werte sa sugal. Para sa pa­milya ninyo, dapat itong ila­gay sa garapon at i-display sa sala.

Ang lahat ng ito ay po­werful lucky charms para sa pamilya, gayundin, sa mga indibidwal na sakitin.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page