top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 patay sa killer truck

Jeff Tumbado
Jul 3, 2019
1 min read

DEDBOL ang dalawang magsasaka habang nasa ma­­hi­git 20 ang sugatan sa pag­tagilid ng trak sa Cota­bato, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Akraman Aluyudan, 31, at Huyaan Mamir, 27, kapwa residente ng Bgy. Gi­ling, Alamada.

Pasado alas-7:00 ng umaga nang mawalan umano ng kontrol ang driver na si Es­mail Manisin Tambag sa kanyang minamanehong Isuzu ELF truck nang maka­salubong nito ang motorsiklo na nag-overtake sa kanyang linya sa kahabaan ng natio­nal highway sa Bgy. Nala­paan.

Nagpagewang-gewang ang trak bago ito tumagilid sa kalsada.

Sinasabing galing umano ang trak sa Alamada na pa­tungo sa Bgy. Amas sa Kidapawan City para du­malo sa seminar ang sakay na mga bik­ima sa kanilang kooperatiba nang mangyari ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page