top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pambayad sa CP naiwan kuno, isinama sa bahay | BEBOT, NI-RAPE NG BUYER

Maeng Santos
Jul 2, 2019
1 min read

ISANG 30-anyos na ba­bae ang umano’y ginahasa ng binebentahan nito ng cellphone sa Valenzuela City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief OIC P/Col. Car­lito Gaces, ang suspek na si Ricardo Garcia alyas Bong, 52, na nadakip ng mga tauhan ng Police Commu­nity Precinct 3 sa Bgy. Ma­rulas.

Alas-11:00 ng Linggo ng gabi nang magkasundo ang biktima na itinago sa pa­nga­lang ‘Danica’ at ang suspek na magkita sa Bgy. Marulas para magkabayaran sa ibini­bentang smartphone ng bebot na bibilhin ni Garcia.

Gayunman, nagkunwari ang suspek na naiwan ang perang pambayad at inim­bita ang biktima na sumama sa kanyang bahay para roon magkabayaran.

Pumayag naman ang biktima ngunit, sa halip na bayaran ay tinutukan umano ng patalim ng suspek sa leeg ang biktima saka ginahasa.

Nang makatakas, humi­ngi ng tulong ang biktima sa mga pulis at ipinadakip si Garcia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page