P1.20 dagdag-presyo sa gas
Gina Pleñago
Jul 2, 2019
1 min read

MAGPAPATUPAD ng pagsirit sa presyo ng petrolyo ngayong umaga.
Nagpatupad ang Pilipinas Shell, PTT Philippines, SeaOil, Petron Corporation, Petro Gazz, Eastern Petroleum at Flying V ng dagdag-P1.20 kada litro ng gasolina, P1.00 kada litro sa kerosene habang P0.95 naman kada litro sa diesel ngayong alas-6:00 ng umaga.
Ang ipinatupad na dagdag-presyo ay kaugnay sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.





Comments