Magsasaka tinepok ng kapitbahay
NORTH COTABATO—Isang magsasaka ang napatay nang barilin ng kanyang kapitbahay, kamakalawa sa Bgy. Arakan, Matalam sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Pablo Morales, samantalang, ang suspek ay si Arlie Patrimonio, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad pauwi si Morales nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima sa hindi pa malamang dahilan.
Dinala pa ng mga saksi si Morales sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments