top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung mayroong batas na nagtatakda ng availability ng mga pasilidad sa condominium

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Isa sa mga dahilan kaya bumili ako ng condominium unit ay dahil sa ipinagmalaki ng seller sa itatayong pasilidad na nakalagay din sa brochure na ipinakita sa amin. Mahigit isang taon na ang nakalipas subalit, hindi pa rin nagagawa ang mga pasilidad na ipinangako nila na mate-turnover na dapat noong nakaraang taon. Nais kong malaman kung mayroong batas na nagtatakda ng availability ng mga pasilidad sa condominium? — Lenita

Dear Lenita,

Para sa inyong kaalaman, ang Section 5 ng Board Resolution No. 926, Series of 2015, o ang “2015 Revised Implementing Rules and Regulations on Time of Completion” ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ay naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nasabing Board Resolution:

“Section 5. Time of Completion of the Project. Within one year from the date of the issuance of the license for the project or such other period of time as may be fixed by HLURB in accordance with its rules and guidelines, every owner or developer shall construct and provide the facilities, improvements, infrastructures and other forms of development, including water supply and electrical facilities, which are offered and indicated in the approved project plans, brochures, prospectus, printed matters, letters or any form of advertisement.”

Sang-ayon sa nasabing Board Resolution, kinakailangang maibigay ng developer ang facility na kanyang ipinatalastas at inilathala sa kanilang brochures, sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pagkaisyu ng kanyang license to sell o petsa na itinakda ng HLURB. Gayunman, maaaring bigyan ng palugit ang developer sa mga sitwasyong nabanggit sa nasabing Board Resolution tulad ng problema sa lupa na nadiskubre lamang pagkatapos ng paghuhukay ng proyekto, unforeseeable o unavoidable o hindi inaasahang mga pangyayari at kung mayroong utos ang korte o ahensiya ng gobyerno na nagreresulta sa pansamantalang pagtigil ng konstruksiyon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page