HOROSCOPE | Hulyo 02, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 2, 2019 (Martes): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na malayo ang iyong mararating, ibig sabihin, magtatagumpay ka sa iyong mga pangarap sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang buhay mo ngayon dahil nasa tamang landas ka. Ang mga pag-aalinlangan at pangamba ay natural lang na nadarama ng taong nakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-28-30-35-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na sa araw na ito, nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit at nakahanda Siyang bigyan ka ng proteksiyon laban sa lihim at lantad mong mga kaaway. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-17-20-24-35.
GEMINI (May 21- June 20) - Hindi masasayang ang iyong mga pangarap, kaya mas magandang piliin mo ang malalaki mong ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-18-28-30-33-34.
CANCER (June 21- July 22) - Humakbang ka sa hagdan ng iyong pangarap. Kahit paisa-isa, makararating ka rin sa itaas. Ang ayaw humakbang ay walang mararating na kahit ano. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-24-32-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sapat ang dahilan mo kung bakit mataas ang tingin mo sa iyong sarili. Gayunman, hindi kabawasan sa iyo kung makikibahagi ka sa buhay ng mga nasa ibaba. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-24-28-35-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iaangat ka ng kapalaran mo sa mas mataas na antas. Ito ay mabilis na mangyayari dahil sa talas ng iyong isipan. Huwag mong kalimutan ang payo na dapat ay nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-20-24-33-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapabibilang ka sa mga taong may mga pangarap dahil ayaw mo ng lumaban sa hamon ng iyong kapalaran. Hindi ito ang dapat mangyari sa iyo. Ikaw ay muling tumayo mula sa pagkakadapa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-29-30-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napansin mo ba na ang halaman kapag nababawasan ng usbong ay mas lumalago? Ang isa pang tanong ay bakit sasama ang loob mo ng dahil lang sa naisahan ka ng kapwa mo? Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-24-39-40-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ang kapalaran mo ngayon. Ito ay prebilehiyo na ipinagkaloob ng langit sa mga nagpakita ng kakaibang pagsisikap na umasenso tulad mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-13-21-26-30-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aangat ang buhay mo upang maingat mo rin ang buhay ng malalapit sa iyo. Mauuna ka dahil hindi puwedeng akayin ng bulag ang kapwa niya bulag. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-22-27-30-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humingi ka ng gabay at payo sa mga nagtagumpay na. Ito ay para makaiwas ka sa mga masasaklap na kabiguan na sinapit ng mga taong umasa lang sa taglay nilang lakas ng loob at tapang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-24-30-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gugulatin ka ng iyong kapalaran. Sa hindi inaasahang pagkakataon, masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang suwerte mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-25-30-34-38.




Comments