top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Habambuhay kulong sa droga | EBIDENSIYA VS. DE LIMA, MATIBAY — VACC

  • Mylene Alfonso
  • Jul 2, 2019
  • 1 min read

KUMPIYANSA ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na may matibay silang ebiden­siya laban sa nakadetineng si dating Senadora Leila de Li­ma kaugnay sa pagkaka­sang­kot niya sa iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Atty. Ferdi­nand Topacio, hepe ng legal panel ng VACC, nakipag­sab­watan ang senadora kay Ronnie Dayan, kawani ng Department of Justice na na­katalaga bilang tsuper at bodyguard ni De Lima sa kalakalan ng iligal na droga sa NBP kung saan nakako­lekta siya ng P5 million cash.

Pinatunayan umano ito ni dating National Bureau of Investigation (NBI) Agent Jovencio Ablen, Jr. na per­sonal na nakakita nang dal­hin ang bag na puno ng salapi sa bahay ni De Lima sa Pa­rañaque City.

Nakasaad din sa infor­ma­tion charge sheet ng VACC na kabilang si dating Bureau of Correction (Bu­Cor) OIC Rafael Ragos sa ka­sabwat nina De Lima at Dayan at dalawang ulit nag­padala ng salapi sa bahay ng senadora noong Nobyembre 24 at Disyembre 15, 2012.

Noong 1991 pa umano magkakilala sina Ablen at Ragos nang maitalaga ang una bilang intelligence agent ng NBI kaya siya ang isina­sama ng opisyal sa pagde-deliver ng ‘quota’ o salapi para sa senadora.

Ayon kay Topacio, ang kasong isinampa laban kay De Lima ay may katapat na parusang pagkakabilanggo ng habambuhay at multang P500,000 hanggang P10 mil­yon kung mapatutuna­yang nag­kasala.

Naniniwala ang VACC na may motibo si De Lima sa pagpapahintulot sa pagpa­pakalat ng iligal na droga sa NBP at ito’y upang makaka­lap ng pondo na kanyang gi­namit sa pagtakbo bilang mambabatas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page