top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babu na sa pulitika, pero dedma pa rin kay Kris… MAYOR BISTEK, BALIK SA MADIR NG MGA ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2019
  • 2 min read

RAMDAM ang pagmamahal ng mga empleyado ng Quezon City Hall, maging ng mga constituents ng Kyusi, sa pamamaalam ni Mayor Herbert Bautista last Friday pagkatapos ng tat­long termino niya bilang ama ng lungsod.

Kahit grabe ang buhos ng ulan at tumakbo nang dalawang oras ang term-end report at valedictory address ni Mayor Herbert, ‘di siya iniwan ng mga nagma­mahal at supporters niya na todo-tutok sa pakikinig habang iniisa-isa ng aktor-pulitiko ang mga naging proyekto at pagbabago sa lungsod na siyempre, ang makikinabang ay ang mga mamamayan.

Bilib kami kay Mayor Bistek dahil sa kanyang farewell speech, hindi niya inako ang kredito sa malaking pagbabago ng lungsod sa ilalim ng kanyang pamunuan. Isa-isa niyang pinangalanan at pinasalamatan ang mga heads at tauhan ng QC Hall na nakatulong niya para maisakatuparan ang mga proyekto ng lungsod sa loob ng siyam na taon.

Ang pinakamalaking proyekto niyang pabahay na tinawag niyang Bistekville (na umabot sa 37 lahat bago natapos ang kanyang termino) ang isa sa mga legacy na iniwan ni Mayor Bistek. Bukod pa riyan ang mga bagong gusali sa City Hall, paaralan, ospital, tirahan para sa mga senior citizens at sa mga preso, scholarship ng mga deserving students at kung anu-ano pang serbisyong naibigay ng pamunuan ng lungsod sa mga nangangailangan.

At ang isa pang tumatak sa amin ay ang respeto, pasasalamat at pagkilalang ibinigay ni Mayor Bistek sa kanyang naging mentor na si dating QC Mayor Sonny Belmonte at sa anak nitong si Joy Belmonte na bagong alkalde ngayon ng Kyusi.

Ito’y sa kabila ng mga bulung-bulungan na diumano, nu’ng kampanya pa lang ay ipinamamalita na ng kampo ni Mayor Joy na inubos ni Mayor HB ang pondo ng Kyusi at iiwan ang lungsod na maraming utang.

Bukod diyan, may nakarating pa sa aming impor­masyon na hindi raw inimbita si Mayor Bistek sa oathtaking ng bagong alkalde ng Kyusi.

But at least, kung totoo man, nagpaka-gentleman pa rin si Mayor Herbert na kinilala ang pagiging vice-mayor at mga naitulong daw ni Joy sa kanyang termino bilang mayor.

Ngayong iniwan na nga ni Mayor Herbert ang pulitika, aniya ay gusto niyang bumawi sa kanyang pamilya at mga anak at balak din niyang bumalik sa showbiz.

We wonder tuloy kung gusto na bang mag-asawa ni Mayor Bistek kaya nagdesisyon siyang hindi na tumakbo uli.

Sabagay, at the age of 51, tama lang naman na ma­hanap na niya ang babaeng makakasama niya forever, ‘no! But we doubt kung si Kris Aquino ‘yun since matagal-tagal na ring natigil ang tsismis sa kanila.

Feeling nga namin, nagkabalikan si Mayor HB at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Mayora Tates Gana dahil nu’ng mga nakaraang buwan, sila ang pala­ging magkaka­sama sa mga bakasyon at special occasions.

Aalamin namin ‘yan sa susunod naming makausap si Mayor Herbert Bautista.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page