top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

95TH NCAA, SIMULA NA; HADO, DAGDAG SA LARO

A. Servinio
Jul 2, 2019
2 min read

MAGBUBUKAS ang 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) ngayong Linggo sa Mall of Asia Arena na may temang “Kaisa Sa Pagkakaiba.” Ito na rin ang unang pagkakataon na tatayong punong abala ang Arellano University sa kanilang 10 taon na pagiging kasapi ng pinakamatandang samahang pampalakasan ng mga paaralan sa bansa.

Nagkakaisa ang siyam na ibang head coach na ang defending champion San Beda University ang maagang paborito na makuha ang ika-apat na sunod na kampeonato sa Seniors Basketball. Subalit kinikilala pa rin na Coach si Boyet Fernandez ng SBU na nagpalakas ng husto ang kanilang mga makakatunggali.

Sisimulan ng Red Lions ang pormal na depensa ng korona sa 4:00 p.m. kontra sa Arellano University. Bago nito, bubuksan ang torneo ng 2:00 sa pagharap ng Colegio de San Juan de Letran at Lyceum of the Philippines University, dalawang koponan na umabot ng semis noong 2018.

Itinalaga ng Arellano ang bagong Commissioner ng basketball na si Antonio “Tonichi” Pujante. “I will be a hands on proactive Commissioner,” wika ni Pujante na naglaro sa NCAA para sa La Salle Green Hills at nanalo ng tatlong kampeonato sa Seniors para sa Letran.

Isang bagong laro ang ipapakilala ng liga, ang Hado na hawig sa Dodgeball ngunit. ang mga bola ay papalitan ng virtual fireballs. Ang magwawagi sa torneo ay ipadadala sa Japan para katawanin ang Pilipinas sa pandaigdigang kampeonato.

Maliban sa mga laro sa MOA at FilOil Flying V Centre tuwing Martes at Biyernes, maglalaro ang NCAA sa mga campus ng University of Perpetual Help, Mapua University, Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University sa mga piling araw ng Huwebes. Magkakaroon din ng isang laro sa Sabado, Agosto 10, sa FilOil tampok ang laban ng Mapua, Arellano, SBU at Letran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page