top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

3RD WIN, INANGKIN NI PAGUNSAN SA ICTSI ILOILO GOLF CHALLENGE

Clyde Mariano
Jul 2, 2019
1 min read

KUNG mayroong 3-peat sa PBA, mayroon din sa golf at si Juvic Pagunsan ang unang gumawa sa Philippine Golf Tour na sinung­kit ang pangat­long sunod na panalo sa ICTSI Iloilo Golf Challenge matapos ang back-to-back sa Bacolod na nilahu­kan ng mga golfers mula sa 10 bansa sa limang continent kasama ang mga Pinoy sa pangunguna ni da­ting Order of Merit champion Tony Lascuna.

Hindi madali ang pangat­long panalo ni Pagunsan at kailangang gamitin ang malawak na karanasan mula sa paglalaro sa Japan Golf Tour at talunin si dating national player at Puerto Rico World Amateur Golf veteran Michael Bibat sa winner-take-all sudden death na ginawa sa 18th hole na nagta­pos sa birdie-par na pabor kay Pagunsan.

Nagtabla sina Pagunsan at Bibat sa apat na rounds 8-under 272 matapos pumalo ng parehong 67 at kinuha ng 41-anyos na double gold SEA Games medalist ang pangatlong sunod na panalo sa bisa ng sudden death sa una nilang one-on-one duel sa pinakamatandang golf course sa ‘Pinas na itinayo noong 1907 sa baybayin ng Sta. Barbara sa Iloilo at ibinulsa ang P550,000 at komulekta ng kabuuang P1.5-M sa tatlong panalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page