top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Solenn, Angelica at Joanne, pare- parehong tisay… ANDREA, IBANG-IBA SA MGA NAGING GF NI DEREK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2019
  • 1 min read

TYPE pala ni Derek Ramsay ang morena beauty na katulad ni Andrea Torres. ‘Yung mga nauna niya ay puro mestisahin tulad nina Solenn Heussaff, Angelica Panganiban at Joanne Villablanca.

Wala pa raw siyang naging GF na dark skinned, kaya hindi imposibleng ma-in love siya sa kanyang leading lady sa The Better Woman. After all, pareho naman silang single ngayon at loveless.

Kabe-break lang ni Derek sa GF niya for six years na si Joanne Villablanca. Pero, wala pa nga raw sa plano ni Derek ang pumasok sa bagong relas­yon. Nasaktan din siya at di­­nam­dam nang husto ang pag­hihiwalay nila ng model. Napa­mahal na rin kasi kay Derek ang anak ni Joanne na matagal din nilang nakasama.

Pagtatapat pa ng aktor, hindi naman siya ang lalaking paasa at naglalaro lang sa larangan ng pag-ibig.

Lahat ng babaeng nakarelasyon niya ay minahal niya nang totoo dahil nagtagal nga nang six years.

Plano rin naman ni Derek na magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Pinaghandaan na niya ang kanyang future. May 7-bedroom house na nga siyang ipinatatayo para sa magiging life partner niya.

Pero, hindi rin sila destined ni Joanne sa isa’t isa. At walang binalikang ex-GF si Derek dahil hindi rin daw ito magwo-workout.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page