top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para iwas-kotong | TRAFFIC ENFORCERS BAWAL MAG-ABANG, MANGHUHULI SA ILALIM NG TULAY, PUNO ETC.

  • Mylene Alfonso
  • Jul 1, 2019
  • 1 min read

NAGBABALA si Ma­nila Mayor Francisco ‘Isko’ Domagoso na mawawala na ang kotong sa kalsada ka­sabay ng pagpapatupad ng ‘one strike policy’ sa natu­rang lungsod.

Ito ang makailang beses na binanggit ni Domagoso sa kanyang inaugural speech matapos ang panunumpa kay Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa Bulwagang Villegas ng Ma­nila City Hall.

“Mawawala ang ko­tong. Mawawala ang mga nag-aabang at manghuhuli sa ilalim ng tulay o punong- kahoy. One strike policy will be implemented,” ani Mo­reno. Partikular na tinukoy nito ang mga traffic enforcer na masipag umanong mag­sulat ng parking ticket.

“Ang principal na ga­wain ng isang traffic officer ay mag-manage ng traffic at hindi magsulat ng parking ticket. At dapat araw-gabi, rain or shine, nasa puwesto. Walang pinipiling pana­hon,” dagdag pa nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page