top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

NABALIAN NG TUHOD SI AJ EDU; OLATS ANG BATANG GILAS SA U-19

Alvin Olivar
Jul 1, 2019
2 min read

NATALO ang Gilas Pilipinas Youth sa kanilang unang laro sa FIBA Under-19 Basketball World Cup matapos daigin ng Greece, 85-69, kahapon sa Heraklion, Greece.

Nanguna sa atake ng Gilas Pilipinas Youth sina Kai Sotto, Gerry Abadiano at Dave Ildefonso ngunit, hindi ito naging sapat upang manalo laban sa Greece. Tumipa ng siyam na sunod na puntos ang Greece sa pagtatapos ng laro upang tuluyan nang makawala sa laro.

Sunod na makahaharap ng Gilas Youth ang Argentina na nanaig kontra Russia, 86-84, sa kanilang unang laro sa kompetisyon.

Naging dikit pa ang laban sa first half. Sa pangunguna ni Ildefonso ay nagtala ng 13-8 na kalamangan ang Gilas Youth. Tumulong na rin si Fil-Italian Dalph Panopio upang umakyat ang kalamangan sa 22-12. Naidikit pa ng Greece ang laro sa pagtatapos ng first quarter, 27-20.

Lumamang ang Greece sa pamamagitan ng siyam na sunod na puntos upang magtala ng 37-29 na abanse ngunit, sinagot ito ng Gilas Youth sa tulong ni Abadiano upang dumikit sa Greece sa halftime, 42-41. Tumulong na sa atake si Sotto sa third quarter matapos bumuslo ng 6 points sa third quarter.

Tumabla ang laro sa 51 ngunit, lumayo ang Greece upang makuha ang 63-57 na kalamangan sa pagpasok ng fourth quarter.

Gumawa ng 13 points, 10 rebounds at 3 blocks si Kai Sotto habang nagtala ng 13 points si Abadiano. Nagtala naman ng 12 points si Ildefonso.

Samantala, posibleng hindi na makalalaro si Fil-Nigerian AJ Edu sa Gilas Pilipinas Youth sa FIBA Under-19 Basketball World Cup. Ito ay matapos magkaroon ng ACL at MCL injury sa laro ng Gilas Youth laban sa Greece kahapon. Nangyari ito sa first quarter ng laro kontra sa Greece.

“AJ Edu suffered an Anterior Cruciate Ligament (ACL) and Meniscal Tear on his right knee with hairline fracture on his right femur bone based on the MRI images read by the radiologist,” wika ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa isang statement na mula kay George Yorobe, ang physical therapist ng Gilas Pilipinas Youth. Kahit pa hindi pa opisyal ang naturang resulta ay nilinaw ng SBP na ipatitingin pa rin ang tuhod ni Edu sa ospital at sa FIBA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page