top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Magre-remit ng kita, hinoldap | TELLER NG LOTTO NI-RAPE, PINATAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 1, 2019
1 min read

ISANG teller ng lottery outlet ang ni­nakawan at pi­natay sa Bgy. Manapa, Bue­navista, Agusan del Norte.

Batay sa imbestigasyon, papunta sana ang 33-anyos na teller sa opisina ng nasa­bing loterya upang mag-remit ng kanilang kita.

Gayunman, ilang metro lang mula sa kanyang outlet nang dalhin siya ng suspek sa liblib ng lugar kaya roon siya ninakawan at pinanini­wa­­laang ginahasa bago pi­natay.

Kinuha ng hindi pa naki­kilalang salarin ang P1,000 perang dala ng biktima na kita ng outlet.

Ayon sa mga nakakita sa biktima, maputla na ito at ma­hina na nang matagpuan.

Samantala, may tatlong person of interests na ang di­nampot ng mga awtoridad para imbestigahan. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page