top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kaalaman tungkol sa Peripheral Arterial Disease (PAD)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 1, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane,

Ang aking nanay ay edad 62 at siya ay diabetic. Ang prob­lema niya ay ang kanyang mga binti, ma­dalas niya itong idinaraing na ma­sakit at para raw itong namumulikat, lalo na sa gabi ha­bang siya ay naka­higa. Ano ang dapat naming gawin para rito? — Susan

Sagot

Ang mga ugat (da­lu­yan ng dugo) sa mga paa ay puwedeng mabarahan ng taba kung may diabetes. Dahil dito, kumi­kipot ang mga ugat at nagiging kulang ang daloy ng dugo sa mga paa at binti kaya ito ay sumasa­kit, ang tawag dito ay Peripheral Arterial Disease (PAD). Kapag kulang ang du­gong dumadaloy sa mga paa at binti ay kulang din ang oxygen na naka­rarating sa mga muscle.

Narito ang mga sintomas ng PAD:

  • Masakit ang mga binti kapag naglalakad subalit, nawawala pag­ka­tapos magpahinga ng ilang minuto.

  • Namumulikat o mada­ling mapagod ang mga binti sa pagla­lakad.

  • Namamanhid o nan­lalamig ang mga paa o binti.

  • Matagal maghilom ang sugat sa mga paa.

  • Tuyo o nagbabalat ang mga paa o cracked ang balat sa mga paa.

  • Masakit ang mga daliri ng mga paa kahit na nakapahinga.

Samantala, karamihan sa mga edad 50 pataas na may diabetes ay may PAD. Puwedeng sukatin ng doktor ang blood pressure sa mga binti at ikumpara ito sa blood pressure sa mga braso. Kung mas mababa ang blood pressure sa mga binti kumpara sa mga braso ay puwedeng may PAD. Ibig sabihin, mas kaunti ang duma­daloy na dugo sa mga binti.

Gayunman, makabu­buti kung mag­papakon­sul­ta agad sa inyong doktor tungkol sa Peripheral Arterial Disease (PAD), lalo na kung nakara­ranas ng ilan sa mga nabanggit na sintomas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page