Hirit ng PAGASA sa publiko, maging alerto sa mga pagbahang dulot ng bagyo
- Ryan B. Sison
- Jul 1, 2019
- 1 min read

ANG love parang bagyo ‘yan, mahirap i-predict kahit may ‘pag-asa’ naman.
Sa mga nagdaang araw, malakas na ulan ang ating naranasan kung saan naging pahirap ito sa mamamayan na nagko-commute kapag pumapasok o umuuwi galing sa opisina.
Bagama’t, naibsan nito ang init na naramdaman natin noong mga nakaraang buwan, kailangan pa rin nating mag-ingat sa mga pagbahang maaari nating maranasan.
Kaya, naglabas ng general advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kung saan higit na pinag-iingat ang mga residente na malapit sa ilog, gayundin, ang mga rehiyong matatamaan ng Bagyong Egay.
Kabilang dito ang Central Luzon, Region 4-A at Region 4-B.
Samantala, mainam kung iiwasan muna ang pagta-travel kung hindi naman kinakailangan nang sa gayun ay masiguro ninyo ang inyong kaligtasan.
Dagdag pa rito, maging alerto at dapat i-monitor ang lagay ng panahon, araw-araw.
Keep safe, mga ka-BULGAR!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments