Galing sa kasalan, nag-away | BEBOT KINATAY NG KA-LIVE-IN PARTNER

SELOS ang nakikitang motibo sa pagpatay ng lalaki sa kanyang kinakasama na umano’y pinagsasaksak sa Roxas, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Bevelyn Argente, 37, habang tinutugis ang suspek na si Michael Hamora, 33, ng Bgy. Bacao, Dumaran.
Alas-10:00 ng Sabado ng gabi nang marinig na nagtatalo ang dalawa malapit sa barangay hall ng Tumarbong.
Kasunod nito, narinig na nagpapasaklolo ang babae at nang puntahan ng mga residente sa lugar ay natagpuan na itong walang buhay.
Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at may nakapulupot na alambre sa leeg si Argente.
Sinasabing sumakay ng bangka para tumakas ang suspek. Dumalo lang umano sa kasal ang mag-live-in partner sa Roxas at matapos nito ay nagkaroon na sila ng pagtatalo hanggang sa mauwi sa krimen.





Comments