BOSS EMONG AT REAL GOLD SA 3rd LEG

Sina Real Gold, ang 1st Leg Champion at ang kabayong si Boss Emong, ang 2nd Leg Triple Crown champion ay magkakaharap kabilang ang mga kalaban na patuloy na nagbabanta sa titulo ng 3rd Leg Champion sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTI) sa Malvar.
Magbabanta rin ang My Jopay, 2nd Hopeful Stakes Race champion sa Saddle and Clubs Leisure Park, Naic, Cavite noong Hunyo 23, 2019. Mahigpit ang labanan na mangyayari sa ikatlong yugto ng Triple Crown sa pagitan ng nabanggit na pangalan ng mga kabayo.
Maaalala na binigo ng Boss Emong na pag-aari ni Edward Diokno ang 1st Leg Champion na Real Gold sa 1,800 meters na distansiya. Kabilang sa mga kalahok ang Jayz, Toy For The Bigboy at Shanghai Noon. Samantala sa Hopeful Stakes Race, masisilayan pa rin ang mga kalahok na Two Timer, The Accountant at JLO.
Samantala, ang My Sheltex ay aakyat ng laban sa Hopeful Stakes Race matapos manalo sa 2019 Philracom 3Year Old Locally Bred Stakes Race. Higit na mas mahaba ang distansiyang tatakbuhin ng mga kalahok sa 3rd Leg Triple Crown Stakes Race at tatanggap ng P1.8 milyon ang makakukuha ng titulo. Samantala, tatanggap ang 2nd place ng P675,000, habang mayroong P225,000 ang 3rd place at P150,000 sa 4th place.





Comments