top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 katao binoga sa tapat ng botika

Pabs Hernandez III
Jul 1, 2019
1 min read

RIZAL—Isang lalaki ang namatay at isa pa ang nasugatan nang barilin sila ng dalawang hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa tapat ng botika sa Antipolo City sa lalawigang ito.

Kinilala ang nasawi na si Joel Malapo, samantalang, ang sugatan ay si Johnrel Elpanag, kapwa residente sa naturang lungsod.

Ayon sa ulat, nakatayo umano sa tapat ng botika ang dalawang biktima nang pagbabarilin sila ng mga suspek sa hindi pa malamang dahilan.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page