Tulak dedbol sa pulis

NASAWI ang isang tulak ng shabu makaraang makipagbarilan sa mga pulis kamakalawa ng hapon sa Abra.
Kinilala ang nasawi na si Ronnie Alcalas, nasa hustong edad, may asawa at naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, nakahalata ang suspek sa isinasagawang buy-bust operation at agad na pinaputukan ng baril ang awtoridad.
Hanggang sa gumanti ang mga pulis at nabaril sa dibdib ang suspek na ikinasawi nito.
Narekober sa suspek ang limang sachets ng hinihinalang shabu.





Comments