top of page
SPECIAL - SAM, UMAMING NAWALA ANG TIWALA AT RESPETO SA KANILA NI RHIAN KAYA NAGHIWALAY-FB

Sey ng experts... PAGHUHUGAS NG KARNE, WALANG EPEKTO PARA MATANGGAL ANG BAKTERYA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2019
  • 1 min read

Marami sa atin ang nasanay nang maghugas ng mga pagkain na mula sa pamilihan, partikular ang mga karne. Ito ay dahil sa paniniwalang nakatutulong ito para malinis ang karne bago lutuin. Pero, mga besh, alam ba ninyo na ang paghuhugas ng karne, partikular ang manok ay hindi nakatutulong sa paglilinis nito? Weh, ‘di nga?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang paghuhugas ng manok ay hindi nakatutulong sa pagtanggal ng germs o dumi nito, bagkus, napapalala pa nito ang pagkalat ng bakterya dahil ang tubig na ipinanghugas sa karne ay maaaring tumalsik sa countertop, lababo at damit mo.

Samantala, ayon sa United States Department of Agriculture (USDA), ang tamang paraan ng pagtanggal sa bakterya ng karne ay ang pagluluto nito sa tamang temperatura.

Dagdag pa ng USDA, puwede rin itong gawin sa iba pang uri ng karne at isda. Ang minimum temperature para sa manok ay 165 degrees.

Gayunman, kung gusto mo pa ring hugasan ang manok bago lutuin, obserbahan mo kung ano ang mangyayari sa unang beses na hindi mo ito hinugasan.

Ngunit, kung ipagpapatuloy mo ang paghuhugas ng mga karne bago lutuin, mabuting i-disinfect ang paligid kung saan hinugasan ang karne, gayundin ang mga ginamit mo rito tulad ng tupperware at ang mga kamay mo para maiwasan ang cross-contamination.

Oh, mga bro at sis, walang masama sa paninigurado na malinis ang kinakain natin, pero, make sure na ang mga ginagawa natin para maging malinis ay talagang nakatutulong sa atin. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page