top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

SAN JUAN AT MAKATI, DADALE NG 2ND WIN SA LAKANDULA CUP

  • MC/Alvin Olivar
  • Jun 30, 2019
  • 1 min read

HAHARAP sa magkakaibang katunggali ang San Juan at Makati at pakay nila ang ikalawang panalo sa MPBL Lakan Season na kung saan, sa debut game ang expansion team na Iloilo ay kasabay nilang nagwagi noong Biyernes ng gabi sa FilOil V Centre sa San Juan City.

Nang-iiwan na ang Knights sa 21 puntos sa unang peryodo pa lamang at nanatili ang kanilang composure hanggang sa 74-72 win kontra Pasay Voyagers. Nakapagtala si Larry Rodriguez ng double-double performance na 10 points at 10 rebounds upang pangunahan ang Knights ng GFG para sa ikalawang diretsong panalo.

Kinailangan ng San Juan ang bigating laro ni John Wilson kontra Jan Jamon na sumelyo sa panalo para sa reigning champion.

Sa unang laban, ginamit ng Makati ang solidong defensive game plan at karanasan upang pasukuin ang Bacolod-Master Sardines, 84-74 sa iba pang laro. Pinuwersa ng Super Crunch ang karibal sa turnovers at pinahina ang kanilang depensa kontra expansion team na natalo sa unang pagkakataon sa dalawang laro.

Ang depensa ng Makati kay Mark Tallo ay pinasabog sa 31 puntos sa kanyang debut game at pinatunayan ang malaking pagkakaiba bilang dating PBA player na nakaka-11 marka lamang.

Ang dating NLEX guard ay nagpakawala ng 9 assists at 9 boards at halos triple-double na ang performance.

Malakas ang depensa na pinakakawalan ng Makati at mapuwersa ang karibal sa 20 turnovers na nagresulta sa 21 puntos.

Nagwagi rin ang Iloilo, 67-64 kontra Parañaque. Nakapagsalpak si Richard Escoto ng buzzer-beating basket upang iangat ang expansion squad sa magandang marka.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page