top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa mas mabilis at ligtas na biyahe LRT, MAY BAGONG SCHEDULE NG OPERASYON

  • Madel Moratillo
  • Jun 30, 2019
  • 1 min read

MAGKAKAROON ng bagong schedule ang Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) sa huling biyahe ng mga tren simula sa susunod na buwan.

Ayon sa LRT-1, ang bagong iskedyul ng last trip ay epektibo simula sa Hulyo 29. Layon umano nitong bigyang-daan ang system upgrade sa rail line para sa mas mabilis at ligtas na biyahe ng kanilang mga pasahero.

Batay sa advisory ng LRT-1, ang schedule ng huling biyahe ng naturang rail line na mula Baclaran Station ay magiging alas-9:30 na ng gabi mula Lunes hanggang Linggo, maging sa holiday o mas maaga kumpara sa dating alas-10:15 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes at alas-9:45 naman ng gabi kung weekends at holidays.

Samantala, ang last trip naman mula sa Roosevelt Station ay aalis ng alas-9:45 ng gabi mula Lunes hanggang Linggo, maging ng holiday, mula sa dating schedule na alas-10:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes at alas-9:30 naman ng gabi kapag weekends at holidays.

Nabatid na ang unang biyahe o first trips naman mula sa Roosevelt at Baclaran Stations ay mananatiling alas-4:30 ng madaling-araw, mula Lunes hanggang Linggo, maging ng holiday.

Ang LRT-1 ang siyang nagdurugtong sa Roosevelt, at Baclaran Stations, Parañaque City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page