top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Na-trauma raw… JEREMY NG STARSTRUCK, UMAMING NAMOLESTIYA NG BADING SA EDAD NA 6

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

KABILANG sa Final 14 ng StarStruck si Jeremy Sabido na bago pa sumali sa ori­ginal artista search ay celebrity na rin. Sumali kasi si Jeremy sa Wowowin at isinadula ang life story niya sa Mag­pakailanman.

Napaka-interesting ang life story ni Jeremy nang aminin sa Wowowin na in-adopt siya ng isang bading mula nang iwan silang apat na magkakapatid ng kanilang ama sa isang budget hotel. Hindi nabanggit ni Jeremy kung saan napunta ang tatlo niyang kapatid, basta siya ay inampon ng gay.

Eight years old si Jeremy nang ma-adopt ng bading na noong una, ayaw niya rito, kaya hindi niya matawag na dad. Siguro raw dahil na-trauma siya sa mga bading mula nang mamolestiya siya noong 6 or 7 years old siya.

“Nagpapagupit ako sa parlor at hinalik-halikan ako ng bading, na-trauma ako. Kaya mula noon, ayaw ko sa bading. Kalaunan, nakuha ng dad ang respeto at pagmamahal ko at na-realize kong hindi lahat ng bading ay pare-pareho,” kuwento ni Jeremy.

Pinag-aral si Jeremy ng adoptive dad niya at graduate ng HRM sa isang school sa Sta. Rosa, Laguna. Su­por­tado rin nito ang pagsali niya sa StarStruck.

Gagawin daw niya ang lahat para manalo at nang maipagmalaki ng adoptive dad.

Suportado rin si Jeremy ng mga managers niyang sina John Ling at Bianca Lapus.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page