Motor sumalpok sa bus | SUNDALO AT ANGKAS NA BUNTIS, DEDO
- V. Reyes
- Jun 30, 2019
- 1 min read

DEDBOL ang isang sundalo, gayundin ang angkas nitong buntis nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na bus sa Zamboanga del Sur.
Naganap ang insidente sa national highway sa Munisipalidad ng Labangan na ikinasawi nina Private Elmae Joy Indangan ng Philippine Army at Niezel Mae Zacares, 6 na buwang buntis.
Batay umano sa kuha ng dashcam ng bus, biglang sumulpot at sumalpok ang kasalubong nitong motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima. Hindi umano agad napansin ng drayber ng bus ang motorsiklo dahil nasa likuran ito ng isang pulang trak.
Ayon sa Labangan Police, posibleng nawalan ng kontrol sa motorsiklo ang mga biktima kaya nangyari ang insidente. Sumuko ang drayber ng bus na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide. Sa Pasuquin, Ilocos Norte, nasawi naman ang rider na si Remigio Callanga matapos bumangga sa poste.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, matulin umano ang pagpapatakbo ng biktima at bigla siyang nawalan ng kontrol sa kanyang motorsiklo.
Nawasak ang suot nitong helmet kaya napuruhan ito sa pagbangga.





Comments