top of page
Pokwang.jpg

Motor ng pastor tinangay | KELOT, TODAS SA ENGKUWENTRO

Jeff Tombado
Jun 30, 2019
1 min read

UTAS sa pakikipagbarilan ang umano’y notoryus na magnanakaw ng motorsiklo sa isinagawang follow-up operation sa San Narciso, Zambales.

Wala pang pagkakakilanlan ang napaslang na lalaking suspek na tinatayang mula 30 hanggang 35 ang edad.

Ayon kay Police Col. Ponce Rogelio Penones, Jr., naganap ang engkuwentro sa Bgy. San Juan, alas-2:50 ng madaling-araw ng Sabado.

Batay sa imbestigasyon, una nang nakatanggap ng tawag ang San Narciso Municipal Police sa umano’y kahina-hinalang lalaki na paikut-ikot sa lugar sakay ng motorsiklo.

Agad nagtungo ang pulisya sa lugar at nang maabutan ay pinaharurot ng suspek ang motorsiklo hanggang sa magkahabulan.

Nagkasa naman ng hot pursuit at checkpoint operation ang mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch, San Antonio at San Narciso Police para makorner ang suspek kung saan sa isang madilim na bahagi ng Bgy. San Juan na nagsimulang magkaengkuwentro.

Nasapol sa dibdib si Police Corporal Arnold Dumlao subalit, hindi tumagos ang bala dahil sa bullet proof vest na suot nito.

Napag-alaman na ang motor na ninakaw at ginamit ng suspek sa pakikipaghabulan ay pag-aari ng pastor na si Jason Bajar.

Narekober ang nakarnap na motorsiklo at ang .38 revolver na baril na gamit ng suspek.

Kasalukuyan nang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page