Kung si Jessy, nganga pa rin kay Luis… ANGEL, NIYAYA NA NG KASAL NI NEIL
- BULGAR

- Jun 30, 2019
- 2 min read

Instagram : @therealangellocsin @neil_arce
BUMULAGA sa social media kahapon ang dalawang larawan kung saan makikitang nag-propose na ang film producer na si Neil Arce sa girlfriend na si Angel Locsin.
Maraming kapwa nila celebrities ang kinilig at naging happy para kina Angel at Neil, most especially ang mga fans ng aktres.
Engaged to be married na nga finally ang bida ng The General’s Daughter.
Unang nag-post si Neil sa kanyang Instagram account ng picture ng lalaking nakatalikod at braso lang na may hawak na singsing ang makikita, habang nasa harapan ng lalaki ang isang babaeng nakatayo na bagama’t blurred ang picture ay obyus na si Angel Locsin.
Sa Instagram account naman ni Angel na @therealangellocsin, ipinost niya ang picture nila ni Neil na nagki-kiss habang nakaunat ang kanilang mga kamay malapit sa kamera.
Kitang-kita ang suot na diamond ring ni Angel habang nakaturo naman ang isang daliri ni Neil sa kamay ng aktres at may caption na: “ Sa Puso Mo.”
Matatandaan na ang huling balita sa dalawa ay hiwalay na diumano nu’ng January this year pa. Pero sinagot ni Neil ang tsismis by posting his pictures with Angel habang nagbabakasyon sila sa Amerika.
Naging official ang relationship nina Angel at Neil noong February, 2018. Pero nagsimulang kumalat ang balita na nagde-date sila noong 2017.
Galing sa second round ng relasyon si Angel sa ex-boyfriend na si Luis Manzano bago nakipag-date ang aktres kay Neil.
Bukod kay Luis, nakarelasyon din ni Angel ang yumaong si Miko Sotto, ang pinsan ni Miko na si Oyo Sotto, at sina Richard Gutierrez at Phil Younghusband.
Samantalang si Neil, katatapos lang ng relasyon nila ni Bela Padilla. Pero bago si Bela, tumagal din ang relasyon ni Neil sa anak ni King of Rap Francis Magalona na si Maxene Magalona.
Sa isang interbyu ay natanong si Angel bago nag-propose sa kanya si Neil kung magle-level-up na sa kasal ang relasyon nilang dalawa.
Say niya, “Liligawan ko pa, try ko, kung sagutin niya ako.”
That time, kai-start pa lang ng serye niya sa ABS-CBN na The General’s Daughter. But now, may balita na malapit nang matapos ang serye ni Angel kaya she has all the time in the world para mag-focus sa kanyang kasal.
Congratulations Angel and Neil!
Tiyak na aabangan ng lahat kung ano’ng klaseng wedding ang magaganap kina Angel at Neil.
At teka lang, susunod na rin kaya ang kasalang Luis Manzano-Jessy Mendiola na ilang beses na ring napapabalita, kaso hanggang ngayon ay wala pang proposal na nagaganap, huh?!





Comments