HOROSCOPE | Hunyo 30, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 30, 2019 (Linggo): Hindi ka masisisi kung aakalain ng marami na ikaw ay tamad at ayaw magsikap nang todo. Ito ay dahil kusang nagdaratingan sa iyo ang mga suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang magtutulak sa iyo para magawa mo ang mga mahihirap na proyekto. Saya rin ang magsisilbing panghatak mo ng mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-23-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pagdamutan ang sarili mo ng matamis na ngiti mula mismo sa iyong mga labi. Mahirap paniwalaan, pero ang mga ngiti ang pampasuwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-27-31-37-45.
GEMINI (May 21- June 20) - Malilibang ka sa saya! Ang mahahalagang bagay at mga taong dapat mong tutukan ng atensiyon ay iyong makalilimutan. Gayunman, ito ay pansamantala lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-24-34-41.
CANCER (June 21- July 22) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak ang magagandang kapalaran kaya hindi ka dapat huminto ng dahil lang sa nasaktan ang iyong damdamin.Magpatuloy ka! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-18-23-27-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon at sa iba pang araw na darating. Sino kaya ang mamalasin? Eh, sino pa kundi ang mga hindi naniniwala sa iyo at mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-24-28-35-41-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Noong dumakit ka sa masasayahin, sinuwerte ka. Muli mo itong gawin dahil ang nangyari ay muling mangyayari. Ito ang nasusulat sa sagradong aklat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-21-27-33-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lihim kang tumawa kapag ang mga lihim at lantad mong kaaway ay kumikilos laban sa iyo. Hindi nila alam na ang masamang ginawa nila ay tiyak na sa kanila mangyayari. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-17-26-34-41-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mo ang iba na abala sa pagsisikap. Ikaw, ayon sa kapalaran mo ay dadalawin ng mga suwerte kahit pa wala kang pinagsisikapang anuman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-28-30-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbubunga ang iyong pagod at hirap. Nakatakda ka ring regaluhan ng langit dahil ikaw ay natagpuang desididong magtatagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-20-24-33-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahalagahan at sinupin mo ang mga suwerteng ipagkakaloob sa iyo ng langit. May babala na dapat mong malaman na kapag ikaw ay nagpabaya, pagdaramutan ka ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-8-19-23-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi makatatanggi ang hihingan mo ng pabor. Ang totoo, isa lang ang kailangan mo, pero dalawa ang mapasasaiyo, ibig sabihin, sobra-sobra ang matatanggap mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-16-26-36-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Parurusahan ng langit ang sinumang sa iyo ay mandaya. Pero, kung hihilingin mo na hindi na ituloy ang parusa, pagbibigyan ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-25-32-33.




Comments