top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirap na hirap daw sa mga ginawa… ANDREA, NAGKAPASA-PASA SA SERYE NILA NI DEREK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2019
  • 1 min read

DEDMA at ayaw nang seryosohin ni Andrea Torres ang mga bashers na walang magawa kundi siraan siya at akusahan ng kung anu-ano.

Umiiwas na rin siyang magbasa ng mga tabloids upang hindi na raw makabasa ng mga negative write-ups.

Ayaw niyang mamuhay na puro negatibo ang nasa kanyang paligid. Nag-concentrate na lang siya sa teyping ng The Better Woman at talagang pinag­handaan niya ang kanyang role upang hindi mapahiya sa kanyang mga co-stars sa serye, especially kay Ms. Jaclyn Jose.

Three days na nag-aral ng pole dancing si Andrea na kailangan sa kanyang role bilang si Juliet de Villa a.k.a. Elaine Reyes.

Napakahirap daw mag-pole dancing dahil nag­kapasa-pasa ang kanyang mga binti at hita! Pero, worth it naman ang lahat nang makita niya ang teaser ng The Better Woman.

Pinakamahirap na para kay Andrea ang kanyang role bilang kambal sa serye. Sobrang shocking at daring para sa kanya ang mga hot and sizzling scenes na ginawa niya with Derek Ramsay.

Hindi naman daw nag-take advantage ang kanyang leading man dahil napaka-gentleman nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page