Dagdag-presyo sa gas

MAY nagbabadyang panibagong pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Atty. Rino Abad ng Oil Industry Bureau ng Department of Energy (DOE), batay sa kalakalan ng krudo sa nakalipas na dalawang linggo, may indikasyon na magtataas ang petroleum products, partikular na ang gasolina, diesel at kerosene.
Sinasabing ang pinagmulan ng pagsirit ng presyo ay ang computation sa nangyaring kalakalan sa nakaraang dalawang linggo mula noong Hunyo 17 hanggang Hunyo 21 at Hunyo 24 hanggang Hunyo 27.
Samantala, isinisi ni Abad sa away ng Estados Unidos sa Iran at Venezuela ang pagtaas ng presyo ng langis.





Comments