Bgy. volunteer na rapist, huli
- Gina Plenago
- Jun 30, 2019
- 1 min read

TIMBOG ang isang barangay volunteer matapos umano nitong halayin ang isang elementary student sa Las Piñas City.
Nakapiit na ang suspek na si Richard, 40, binata, ng nabanggit na lungsod. Sadyang itinago sa pangalang ‘Veronica’ ang biktima, elementary student sa hindi na binanggit na paaralan.
Base sa ulat na natanggap ni Las Piñas City Police Chief P/Colonel Sim Gran, alas-5:00 ng madaling-araw nang mahuli ang suspek ng mga pulis sa ikinasa nilang follow-up operation sa hindi na pinabanggit na lugar. Kaugnay ito ng reklamo ng ina ng bata hinggil sa umano’y panghahalay ng suspek sa kanyang anak.





Comments