top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

22 mangingisdang Pinoy na nabangga ng Chinese vessel sa WPS, ‘wag nang umasa ng hustisya, tsk-tsk-ts

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2019
  • 2 min read

HUSTISYA, MALABONG MA­KAM­TAN NG 22 MANGINGIS­DANG PINOY — Kung pagbabase­han ang statement nina Pangulong Rodrigo Duterte, Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III, House Majority Floorleader Fredenil Castro at DFA Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr., huwag nang umaasa pa ng hus­tisya ang 22 mangingisdang Pinoy na muntik nang mamatay sa lunod nang bang­gain ng Chinese militia vessel ang ka­ni­lang bang­kang-pangisda sa karaga­tang sakop ng Pilipinas.

Kada buka kasi ng bunganga ng mga ito, palaging pabor sa China ang kani­lang sinasabi sa publiko, hu-hu-hu!

◘◘◘

SABI NI P-DUTERTE, GUGU­LU­HIN NG CHINA ANG PILIPINAS, SABI NAMAN NI PANELO, HINDI! — Ayon kay P-Duterte, ‘pinagbantaan’ daw siya ni Chinese Pres. Xi Jinping na gulo ang aabutin ng Pilipinas mula sa China kapag nagsagawa ng oil explora­tion sa West Philippine Sea (WPS) ang Duterte gov’t., pero nang tanungin ng me­dia si Presidential Spokesman Salvador Panelo tungkol sa isyung ito, ang sabi niya ay hindi naman daw nagbabanta kundi “friendly advice” lang daw.

Hay naku, palagi namang magkasa­ma sa Malacañang sina P-Duterte at Panelo, pero madalas ang statement nila ay mag­kasalungat, boom!

◘◘◘

BAKA IPAKULONG NI P-DU­TERTE SI REP. TINIO? — Ayon kay ACT Partylist Rep. Antonio Tinio, handa raw nilang tanggapin ang impeachment case na isasampa kay P-Duterte kaug­nay sa pagpapahintulot nitong mangisda sa WPS ang mga Chinese.

Naku, malamang, kulong ang aabu­tin ni Rep. Tinio kasi ang banta ni P-Du­terte na ang sinumang magsasampa ng impeach­ment case laban sa kanya ay kanyang ipakuku­long, period!

◘◘◘

RAKET NG MGA SMUGGLING QUEEN, BALIK SA BUREAU OF CUSTOMS — Balik-smuggling opera­tions na naman daw sa Bureau of Cus­toms ang apat na tinaguriang smuggling queens na sina “Tina U”, “Big Mama”, “Kimberly” at “Lea C”.

Kung ganu’n, totoo ang ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kahit ka­ilan, hindi natitigil ang raket na smuggling sa BOC, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page