top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wildfire sumiklab sa spain

Jersey Sanchez
Jun 29, 2019
1 min read

SUMIKLAB ang wildfire sa Catalonia Region sa Spain sa kalagitnaan ng heat wave sa malaking bahagi ng Europe.

Nabatid na nasa 6,500 ektarya ng lupain na malapit sa bayan ng La Torre de I’Espanyol ang nasunog.

Ayon kay Regional Interior Minister Miquel Buch, posibleng umabot sa 20,000 ektarya ang mapipinsala.

Ito na umano ang pinakamalaking wildfire sa Catalonia Region sa loob ng dalawang dekada.

Samantala, umabot na sa 53 katao ang inilikas at limang kalsada na ang isinara dahil sa wildfire.

Sa ngayon, nasa 120 bumbero na ang nagtutulungan para makontrol ang apoy.

Gayunman, ayon sa mga bumbero, ang mainit na temperature, low humidity at malakas na hangin ang nagpalakas sa sunog.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page