top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

UUBRA BA ANG BLAZE SA HALIMAW NA LARO NG HD SA SUPERLIGA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 29, 2019
1 min read

MATAPOS matalo sa karibal na F2 Logistics, asahan na ang mainit na laro ng Petron Blaze Spikers sa pakikipagharap sa mapanganib na Cignal HD Spikers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Muntinlupa Sports Center. Magsisimula ang aksiyon ng 2:30 p.m. kung saan, pakay ng Blaze Spikers na makabalik sa winning track makaraan ang masaklap na pagkatalo sa Cargo Movers sa prestihiyosong women’s club tourney. Pakay ding makalusot sa winning form ng PLDT Home Fibr na haharapin ang Foton sa ikalawang laro ng 4:30 p.m.

Maganda sana ang simula ng Power Hitters pero, bumigay kaagad sa malakas na banat ng HD Spikers sa kanilang nakaraang laro noong Huwebes. Dahil diyan ay halos dalawang oras na kinausap ni head coach Roger Gorayeb ang Power Hitters sa locker room at winarningan ang kanyang players na haharap sa mas matataas na kasagupang Tornadoes. Nakaabang ang lahat sa Blaze Spikers. Naghabol ang F2 Logistics sa magara sanang laro ng Petron, 21-25, 25-17, 25-27, 19-25 noong Huwebes. Humataw nang husto si Filipino-American spiker Kalei Mau sa pinakawalang 21 kills at two blocks para mamuno sa pag-atake ng Cargo Movers, 49-25 at blocking department, 7-6. (VA/MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page