Tanod todas sa 3 armado
NEGROS ORIENTAL—Isang barangay tanod ang namatay nang barilin ng tatlong hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. T. Hill, Guihulangan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Ever Pelenio, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa balkonahe ng kanilang bahay si Pelenio ay biglang sumulpot ang tatlong suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments