Sinopla sa socmed, napikon, todo-patol… MON SA NETIZEN: 'DI AKO ANG NAGNAKAW NG P60 M, KAPATID
- BULGAR

- Jun 29, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

IKINAGULAT ng mga netizens ang naging pahayag ng radio broadcaster at columnist na si Mon Tulfo sa kanyang Twitter account.
Ipinost kasi ni Mon na magdo-donate si former Dept. of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ng P500 K sa mga mangingisda ng Recto Bank incident o sa 22 fishermen na inabandona sa laot at binangga ng Chinese vessel ang sinasakyang bangka.
Aniya, “Former Foreign Secretary Albert del Rosario donating 500K to fishermen in the Recto Bank incident cheapens his act. He should be the last to do that coming as it does in the wake of his being barred from entering Hong Kong. He should have done that before he was refused entry.”
May isang netizen kasi ang nag-comment na mas okay na ang ginawang pagdo-donate ng former Foreign Affairs secretary kesa naman sa pagnanakaw ng P60 milyon sa gobyerno na hanggang ngayon ay hindi pa rin naibabalik.
Sey ng netizen na may account name na alejandramj06, “Ok na ‘yung nag-donate ng 500K sa mga mangingisda kesa naman nagnakaw ng P60M, ayaw pang isauli.”
Ang tinutukoy ng netizen ay ang controversial na P60 milyong halaga ng advertisement sa show ni Ben Tulfo sa PTV-4 mula sa kanyang kapatid na si former Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo.
Napag-alaman kasi ng Commission on Audit na nagkaroon ng P60-milyon advertisement ang PTV-4 at ang Department of Tourism noong panahon ni Sec. Wanda at inilagay ang TV ads sa Kilos Pronto show na ipinrodyus nina Ben at Erwin Tulfo.
Agad namang sinagot ni Mon ang netizen at kinumpirmang ang kanyang kapatid na si Ben ang tinutukoy ng nag-aakusa.
Aniya, “Hoy, g*ga! ‘Di ako ang nagnakaw ng P60 M. Kapatid kong si Ben ‘yung tinutukoy mo.”
Sa isang interview din sa CNN, sinabi ni Mon na si Ben ang may kasalanan kung bakit nag-resign ang kapatid nilang si Wanda bilang Tourism secretary.
Aniya, “Sabi ko kay Ben, ‘di ba, ‘Ibalik mo.’ Sabi niya, ‘Bakit ko ibabalik, eh, legal naman?’ So, parang chicken and egg. ‘Ibalik mo.’ Sabi niya, ‘Oh, legal naman ‘yung pagkagawa ko, pagkagawa namin.’”





Comments