top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SHANGHAI GREY AT NOBLE RUN, PATOK!

Ding Taboy
Jun 29, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

MAGTATAGISAN ng lakas ang mga mananakbo sa 3 Year Old Group Race at Condition Race sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong hapon.

Siyam na karera ang hahataw na kapalolooban ng dalawang Winner Take All (WTA), dalawang Pick 5, isang Pick 6 at Pick 4. Magaganap ang Condition Race (17) sa pagtikada ng 1st WTA at pinapaboran ang numero 2 na Indian Warrior at mahigpit na makakalaban ang Barrio San Jose, Amelia at Big Scoop.

Sa Race 2, nakalalamang ang Shanghai Grey, habang ang Redmond ang magsisilbing katunggali sa umpisa ng 1st Pick 5. Susunod na 2nd WTA sa Race 3, mahigpit na magkakalaban ang Derham Park at Stay Ready katulong ang Kalmot Pusa ngunit, mananatiling banta ang mga kalahok na Yes All Wee Bet at Jade Master.

Mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Will To Win at ka-couple entry nito na Change The World, Westeros, Sure Win at Oktubre Katorse sa Race 4, umpisa ng Pick 6.

Sa 2nd Pick 5 sa Race 5, nakalalamang ang Noble Run at makakalaban nang mahigpit ang Rise Up at Congressional. Sa Race 6, ipinapatok ang couple entry na Let ItGo Let ItGo at High Ranks habang makakalaban ang mga kalahok na Quincy, Red Lion at couple entry na Prince Jolo at Luyang Cave.

Magkakasagupa ang Broadway, Batang Novaliches, Batang Rosario at Sorsogon Bay sa Race 7. Sa Race 8, masasabi ko na mahigpit na magkakalaban ang Summer Cruise, Congrats Sister, Golden Octagon, Prince Uno at Tubig at Langis.

Ipinapatok ang Royal Chica, habang makakalaban ang Rafa at Alupay Star sa pagtikada ng Race 9. Tip ni Mang Ding: Race 1- Indian Warrior (2) Big Scoop (5) Barrio San Jose (3) Race 2- Shanghai Grey (1) Redmond (3) Race 3-Derham Park (1) Entry No.5 Race 4- Entry No.2 Westeros (3) Oktubre Katorse (4) Race 5- Noble Run (3) Rise Up (4) Race 6- Entry No.6 Little Kitty (5) Race 7- Batang Novaliches (4) Batang Rosario (7) Sorsogon Bay (9) 1st WTA (1-7) 2/1/1-5-6/2-3-6-7/3/6/4-7 2nd WTA (3-9) 1-5-6/2-3-6-7/3/6/4-7/1-2/2-9 1st Pick 5 (2-6) 1/1-5-6/2-3-6-7/3/6 2nd Pick 5 (5-9) 3/6/4-7/1-2/2-9 Pick 6(4-9) 2-3-6-7/3/6/4-7/1-2/2-9 Pick 4(6-9)6/4-7/1-2/2-9

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page