top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sangkot sa droga, nakipaghabulan sa mga pulis | LALAKI NASAGASAAN SA EDSA, PATAY

  • Maeng Santos
  • Jun 29, 2019
  • 1 min read

DEDO ang isang lalaki na umano’y hinahabol ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa iligal na aktibidad matapos ma-hit-and-run ng rumaragasang trak sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa natanggap na report ni Caloocan Police Chief P/ Col. Noel Flores, alas-11:40 ng gabi, hinahabol umano ng mga awtoridad si Reynaldo Juarez, sa kahabaan ng EDSA dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na aktibidad sa naturang lugar.

Pagsapit sa kanto ng J. Mariano St., nabangga ang biktima ng tricycle na hindi naplakahan subalit, nagpatuloy pa rin sa pagtakbo si Juarez patawid sa EDSA hanggang sa mabangga at magulungan ng rumaragasang trak na patungong Balintawak.

Sa halip na tulungan ang biktima, mabilis na humarurot patakas ang truck driver habang dinala naman si Juarez ng mga tauhan ng Bgy. 59 sa Caloocan City Medical Center subalit, hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page