PINAKAMATATAAS NA PINOY: SOTTO AT EDU SA FIBA U-19

KINOKONSIDERANG pinakamatangkad na ang Philippine youth basketball team sa ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon na kakatawan sa bansa sa nalalapit na FIBA Under-19 Basketball World Cup sa Greece na nagsimula na kahapon, Hunyo 28 hanggang Hulyo 7.
Sa pamumuno nina Kai Sotto, ang 7-foot-2 center at AJ Edu, ang 6-foot-10 Fil-Am standout na naglalaro sa US NCAA Division 1, ang dalawang frontliners ang lilider para sa Philippine Youth squad para sa under-19 division. Noong nakaraang taon, si Sotto ay naging bahagi ng under-18 team na nalagay sa 13th place sa FIBA World Under-18 World Cup sa Argentina.
Si Edu naman na standout mula sa Toledo University ay makakatulong ni Sotto para sa world stage sa ikalawang taon, kasunod ng malakas na laro sa qualifying stage sa FIBA Asia tourney.
Magbabalik din sa world stage sina Terrence Fortea, ang smart-shooting guard mula sa Nazareth School National University Bullpups, maging si Shaun Geoffrey Chiu, ang 6-foot-8 promising player ng Ateneo. Ang iba pang nagbalik ay sina Bismark Lina, ang 6-foot-5 player mula sa University of Santo Tomas at guard Gerry Austin Abadiano ng National University.
May old timers din na nagbalik sa laro ng Batang Gilas program, sina second generation cager Sean Dave Ildefonso, ang 6-foot-3 player ng National University at Rhayyan Amsali, ang 6-foot-4 player ng San Beda.
Ibig sabihin, hindi lang ipinaparada ng team ang matatangkad na players ng ilang taon pero, ang magkaroon ng sapat na karanasan ng squad ay sapat nang paghahanda kontra sa pinakamahuhusay sa mundo.
Ang iba pang miyembro ng squad ay sina Xyrus Dane Torres, ang six-foot guard ng Far Eastern University, Carl Vincent Tamayo, ang 6-foot-7 player ng National University, Joshua Ramirez, 6-foot-4 player ng Letran, Miguel Andre Oczon, ang six-foot guard ng National University, Dalph Adem Panopio, ang 6-foot-1 shooting forward ng Stella Azura ng Rome, at James Daniel Spencer, ang 6-foot-4 forward ng UP.
Magsisilbing coach ng Phililppine team si Sandy Arespacochaga, ang long-time assistant coach ng iba’t ibang mahuhusay na coaches sa local basketball circuit, kabilang na sina Norman Black, Yeng Guiao at Joe Lipa. Sisimulan ng Pinoy ang kanilang kampanya, araw ng Sabado (Linggo sa Manila) laban sa host team Greece.





Comments