No match sa Kathryn-Alden… HIRIT NG FANS: MAINE AT CARLO, WALANG DATING!
- BULGAR

- Jun 29, 2019
- 1 min read

MIXED ang reaction ng mga fans at showbiz observers nang malamang si Carlo Aquino ang kapareha ni Maine Mendoza sa bagong pelikula na gagawin under Blacksheep Productions at APT Entertainment, ang Isa Pa with Feelings na ididirek ni Prime Cruz.
Bakit daw si Carlo ang napili, eh, magkaiba sila ng personalidad ni Yaya Dub? Bakit hindi si Daniel Padilla o si James Reid ang kinuha upang maka-level sila sa tambalang Kathryn Bernardo-Alden Richards sa pelikulang Hello, Love, Goodbye?
Si Carlo ay seryoso at sobrang tahimik na tao. Paano nila pakikiligin ang mga fans? Sino sa kanila ni Maine ang mag-a-adjust upang magkaroon ng chemistry ang kanilang tambalan?
Handa na ba si Carlo sa mga bashers na kokontra sa pagsasama nila ni Maine sa pelikula?
Well, anything can happen. Maraming nangyayari na hindi inaasahan tulad nang magklik ang Empoy Marquez-Alessandra de Rossi team-up sa Kita Kita at ‘yung pagtatambal nina Paolo Contis at Alessandra sa pelikulang Through Night and Day.
Malaking risk at challenge kina Carlo at Maine ang pagtatambal nila sa Isa Pa with Feelings. And for sure, susuportahan naman ito ng kani-kanilang loyal fans.





Comments