Maghahain ng impeachment laban sa ‘kin — Digong | IPAKUKULONG KO!

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakukulong nito ang lahat ng mga magtatangka na maghain ng impeachment complaint laban sa kanya.
“I-impeach ako? Kulungin ko silang lahat. Subukan n‘yo. Try to take it, do it, and I will do it,” ani P-Duterte sa isang panayam matapos ang oath-taking ni Senator-elect Christopher ‘Bong’ Go sa Malacañang.
Una nang nagbanta si Jay Batongbacal, director of the University of the Philippines (UP) Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, na posibleng ma-impeach ang pangulo at mahaharap din umano sa kaso ang mga ahensiya ng gobyerno na mapatutunayang tumugon pabor sa pahayag ng pangulo na hayaan na maglayag sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa sa West Philippine Sea ang mga mangingisdang Chinese.
“Takot-takutin n‘yo ako ng impeachment, p*t*ng *n*, subukan niyo. Sabi ni Erap, sa kangkungan kayo pupulutin, dito sa akin subukan n‘yo,” ani P-Duterte.
“Subukan mo. Kung lalaki kayo at matapang, may b*y*g, do it. ‘T*ng *n*,” giit pa ng pangulo.
Batay sa Section 2 ng Article XII ng National Economy and Patrimony, dapat protektahan ng bansa ang maritime wealth nito sa archipelagic waters, territorial sea at exclusive economic zone at ireserba ang pakinabang at enjoyment nito ng eksklusibo para sa mga Pilipino.
Ayon kay P-Duterte, mayroon siyang pinoprotektahan na mga tao kumpara sa naturang probisyon sa Konstitusyon.
Naniniwala ang pangulo na mawawalan ng saysay ang Konstitusyon kung mauubos lang ang mga Pilipino na dapat ay nakikinabang dito.





Comments